by Jabez Flores
* Hello! Salamat sa pagbisita sa aming munting blog tungkol sa Landscape Ecology! Kami nga pala ay mga students ng ENRM 230: Landscape Ecology, isang subject na tinuturo ni Doc Jun Buot sa University of the Philippines Open University sa Los Banos, Laguna. Sa tapat lang ng South Supermarket, bago mag Petron.
* Nandito ka siguro ngayon dahil nakita mo sa Facebook ang link sa blog namin at na-curious ka kung ano nga ba itong Landscape Ecology na pinag-uusapan namin. Bago ba siyang pananaw? Siyensya? Advocacy? O kaya, nandito ka ngayon dahil may assignment ka sa school tungkol sa ecology at nakita mo sa Google ang blog na to.
* Bago nagsimula itong kurso na to, hindi ko pa rin naririnig ang Landscape Ecology. Nung una akala ko ito'y tungkol sa paghahardin ng mga bakuran dahil may salitang "landscape." Landscaping kasi ang unang pumapasok sa isip ko pag nakikita ang salitang "landscape." Pagkatapos namin pag-aralan ang kurso, na-realize ko na related din nga naman ang paghahardin sa Landscape Ecology!
* Pero bago ang lahat, ano nga ba muna ang ecology? Ang ecology ay isang science na nagpapaliwanag ng pagkaka-ugnay nating lahat dito sa mundo. Mula sa pagsikat ng araw, sa pagtubo ng mga halaman, sa pag-gagala ng mga hayop, hanggang sa ating pagbili ng mga pagkain at damit sa supermarket, lahat to ay may koneksyon, lahat ay magkakaugnay.
Commercial Break: Magkaugnayan by Joey Ayala at ang Bagong Lumad
* Kapag meron na tayong malinaw na pagkakaunawa at appreciation nito, mas madali natin maiintindihan kung ano ang Landscape Ecology.
* Sa blog na to, magpopost kami ng mga videos, photos, essays, at mga reflections namin tungkol sa Landscape Ecology at kung paano natin magagamit ito sa araw-araw nating mga buhay. Malaki ang maitutulong nito sa ikauunlad ng ating bansa.
* Bago ako magpaalam, panoorin nyo muna tong video na to na gawa ni Steve Cutts. Ang title nito ay "MAN." Pinapakita dito kung paano nakaapektuhan ng tao ang ating mundo at kalikasan. Isipin natin kung paano natin mabibigyan ng solusyon ang ganitong pamumuhay.
Si Jabez Flores ay isang organic gardener, blogger, at entrepreneur. Bisitahin nyo ang iba pa niyang blogs: Backyard Thinking (http://www.organicbackyardthinking.blogspot.com); Cafe Antonio Small Town Coffee Brewers Inc. (http://www.cafeantonioelbi.blogspot.com)